-- Advertisements --

Pinataob ng mga bagitong player ng Orlando Magic ang Phoenix Suns sa score na 109 – 99.

Minalas ang Suns sa pangunguna ng star guard na si Devin Booker na nagbulsa lamang ng 17 points sa loob ng 38 mins na pagkababad sa game.

Walang nagawa ang Suns dahil sa lahat ng player nito ay nalimitahan lamang sa less-20 points, pinakamataas dito ay ang guard na si Tyus Jones na mayroong 18 points.

Hindi napigilan ng Suns ang Magic forward na si Franz Wagner na kumamada ng 32 points sa loob ng 39 mins na paglalaro. Gumawa rin ng double-double ang sentrong si Goga Botadze: 17 points – 10 rebs.

Hindi pa rin nakapaglaro si Magic star Paolo Banchero habang hindi rin nakapaglaro si Suns star Kevin Durant.

Naipakita ng Orlando ang magandang depensa laban sa Phoenix labis na binantayan ang paint area. Sa loob kasi ng paint ay napigilan ng Magic ang 7 shot attempts ng Suns.

Sa ilalim nito ay gumawa rin ang Orlando ng 50 points habang 40 points lamang ang naging kasagutan ng Suns.

Kapwa hawak ng dalawang koponan ang kartadang 9 – 6.