CAUAYAN CITY- Nagsimula na ang pagbibigay ng booster shots na gawa ng Pfizer BioNtech para sa lahat ng Australian Citizens and Residents noong ika walo ngayong Nobyembre .
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay G. Denmark Duede, Pinoy nurse sa Sydney, Australia, sinabi niya na kahit tumanggap ng Astrazeneca at Moderna bilang 1st and 2nd dose ay maaari itong mabigyan ng Pfizer bilang booster shot.
Ayon kay G. Suede bagamat ibinabatay lamang sa mga nakalap na datos ng iba’t ibang mananaliksik na magpapatunay sa bisa ng mix and matching ng mga bakuna iginiit niya na ligtas itong gamitin at ibakuna.
Paliwanag niya na dahil pare-parehong nakakatulong ang ibat ibang brand ng bakuna para mapigilan ang paglaganap ng COVID- 19 virus malinaw na maaaring ligtas rin kung gagamitin o ituturok ang magkaibang brand ng bakuna sa isang indibiduwal.
Paglilinaw ni G. Suede na kinakailangan ng booster shot nang isang fully vaccinated na indibiduwal upang mapanatiling malakas o sapat ang bisa ng bakuna sa kaniyang immune system upang patuloy na malabanan ang virus dahil batay sa pag-aaral tumataas ang tiyansang bumaba ang bisa o humina ang response sa COVID-19 ng isang fully vaccinated individual makalipas ang anim na buwan .
Sa kasalukuyan ay nasa 84.6% na ang mga fuly vaccinated sa naturang bansa habang nasa 91.2% sa 70% target population ang nakatanggap na ng 1st dose.
Batay sa kanilang vacination rate maaaring maabot na ng bansa ang 90% herd immunity habang mas bumaba rin ang kanilang COVID-19 death rate kung saan aabot na lamang sa 60 ang kanilang total COVID-19 death sa nakalipas na 7 araw.
Bumaba rin ang infection rate nito sa dalawang malaking estado kung saan mataas ang naitatalang kaso ng COVID 19.
Aabot na lamang sa 182 ang bagong kaso sa New South Wales habang nasa 1,166 naman sa State of Victoria.