Ipinagpaliban ng national government ang pagtuturok ng bakuna para sa first Coronavirus disease 2019 (COVID-19) booster dose sa mga non-immunocompromised na mga kabataang edad 12 hanggang 17-anyos.
Ayon kay National Vaccination Operations Center (NVOC) chairperson at Health Undersecretary Dr. Myrna Cabotaje, ito ay dahil umano sa ilang “glitches” sa Health Technology Assessment Council (HTAC).
Paliwanag ni Cabotaje na ang HTAC ay gumawa ng kondisyon na ang healthy adolescents na edad 12 hanggang 17-anyos ay mabibigyan lamang ng booster shot kung ang booster coverage para sa mga senior citizens sa kanilang mga lugar ay umabot na sa 40 percent.
Ang rollout ng unang COVID-19 booster dose para sa mga immunocompromised minors sa nasabing age group ay sinumulan noong Miyerkules.
Pero ito ay isingawa sa mga ospital dahil na rin sa safety reasons.
Sinabi ni Cabotaje na patuloy pa rin ilang nakikipag-ugnayan sa HTAC kaugnay ng natuarng kondisyon.
Umaasa naman itong makakapagdesisyon ang HTAC para sa booster inoculation ng mga non-immunocompromised children na nasa age group lalo na kung nakamit na nila ang limang buwang interval.