-- Advertisements --
Hindi pa rin sang-ayon ang World Health Organization sa pagkakaroon ng booster shots ng COVID-19 vaccine.
Sinabi ng WHO na dapat ay malaking bilang ng populasyon ng mundo ay ma-fully vaccinated na bago pag-isipan ang nasabing hakbang.
Ayon naman kay WHO chief scientist Soumya Swaminathan na base sa kanilang data na hindi pa kailangan ang booster shots dahil epektibo pa rin ang anumang uri ng bakuna sa paglaban sa COVID-19.
Magugunitang plano ng US na magkaroon ng booster shots na ipapatupad sa Setyembre 20 dahil sa patuloy na pananalasa ng Delta variant.