-- Advertisements --

Hindi sang-ayon si Oxford vaccine chief Andrew Pollard na gumawa ng booster shots para sa COVID-19 vaccines.

Sinabi nito na dapat ang booster shots ay ibase sa scientific studies at wala pang ebidensiya na marami ang nasawi sa naturukan na ng bakuna laban sa COVID-19.

Mahalaga aniya ngayon ay dapat gumawa pa ng mas maraming bakuna laban sa COVID-19.

Magugunitang pinag-iisipan ng ilang mga bansa na magkaroon ng booster shots vaccines dahil sa pananalasa ng Delta variant ng COVID-19.