Patuloy na tinitimbang ngayon ng miyembro ng Vaccine Expert Panel (VEP) ang pangangailangan para sa booster coronavirus disease (COVID-19) sa mga frontline health workers na naturukan ng Sinovac vaccine.
Sa isang interview, nabanggit ni Dr. Rontgene Solante na isang infectious diseases expert na ang pagiging epektibo ng Sinovac ay humuhupa pagkalipas ng anim hanggang walong buwan.
Sinabi rito na ang mga fully vaccinated ng Sinovac ay kailangang muling magpabakuna ng karagdagang dose upang mananatili ang protection dito pagkalipas ng anim hanggang walong buwan.
Aniya ang ilang bansa ay nagturok na ng third dose ng Pfizer o Moderna sa mga immunocompromised individuals at sa mga matatanda.
Mahalaga umano ang third dose upang maprotektahan ang mga immunocompromised individuals at mga matatanda mula sa severe COVID-19 infections.
Sa ngayon, kailangan muna nila na maghanap ng karagdagang data sa Sinovac at pagkatapos ay lilipat sa ibang platform.
Naniniwala si Solante na magiging epektibo ito ngunit kailangan lamang ng katibayan upang maging kongkreto ang kanilang pinaplano.