Pinaplano ng pamahalaan na palawakin ang saklaw ng eligible population para sa COVID-19 booster shots sa mga essential workers at indigents sa Disyembre 10 ayon kay vaccine czar Carlito Galvez Jr.
Sinabi ni Galvez na pinaplano ng gobyerno na gumawa ng available na COVID-19 booster shots sa ibang mga sektor lalo pa’t sapat ang supply ng mga bakuna pati na rin ang kawalan ng katiyakan ng bagong variant,ang COVID-19 Omicron.
Sa kawalan ng katiyakan sa Omicron, mas mabuti na huwag munang putulin ang chain of protection.
Kailangang palakasin pa ang depensa ng mga bakunado sa pamamagitan ng pagbibigay ng booster shots.
Dahil dito, target nila na buksan ang booster inoculation sa Disyembre 10 para sa mga A4 at A5 priority groups.
Ang A4 priority group ay sumasaklaw sa economic frontline workers habang ang A5 ay tumutukoy sa indigent population.
Sa ngayon, nagbibigay ang Pilipinas ng booster shots sa mga health worker, senior citizens at mga taong may comorbidities.