Pinahintulutan ng Estados Unidos ang extra dose ng bakuna ng COVID-19 para sa mga taong may mahinang immune system habang nagsusumikap ang bansa na hadlangan ang Delta variant.
Inaprubahan na ng US Food and Drug Administration (FDA) regulator ang emergency use authorization para sa third injection ng Pfizer-BioNTech at Moderna vaccines.
Ayon kay acting FDA Commissioner Janet Woodcock, ang bansa ay nakaranas ng isa pang surge ng COVID-19 pandemya, at ang mga taong na-immunocompromised ay partikular na nasa peligro para sa severe disease.
Sinabi ng FDA na ang karagdagang doses ay para sa mga solid organ transplant recipients o sa mga may mahinang immune system.
Nauna nang pinagtatalunan ng mga US health authorities kung maaaring kailanganin ang pangatlong doses, kagaya sa ginawang hakbang ng Israel.
“The country has entered yet another wave of the COVID-19 pandemic, and the FDA is especially cognizant that immunocompromised people are particularly at risk for severe disease. After a thorough review of the available data, the FDA determined that this small, vulnerable group may benefit from a third dose of the Pfizer-BioNTech or Moderna Vaccines,” paliwanag pa ni Commissioner Woodcock. “Today’s action allows doctors to boost immunity in certain immunocompromised individuals who need extra protection from COVID-19. As we’ve previously stated, other individuals who are fully vaccinated are adequately protected and do not need an additional dose of COVID-19 vaccine at this time. The FDA is actively engaged in a science-based, rigorous process with our federal partners to consider whether an additional dose may be needed in the future.”