KORONADAL CITY – Hindi lamang ang mga medalyang ibinibigay sa mga nananalo sa nagpapatuloy na Tokyo Olympics ang mahalaga kundi may mas malalim na kahulugan at simbolo ang bouqet of flowers.
Ito ang ibinahagi sa Bombo Radyo Koronadal ni Bombo International Correspondent Benz Huera na higit 10 taon na sa Japan at tubong lungsod ng Koronadal
Ayon kay Huera, ang mga sunflower at iba pang bulaklak sa boquet ay mula sa northeastern Japanese prefectures na sinira ng 2011 Earthquake, tsunami at ang pagkatunaw ng 3 nuclear reactors.
Kung maaalala, nasa higit 20 libong tao ang namatay sa kalamidad sa mga prefectures ng Iwate, Fukushima at Miyage.
Dagdag pa ni Huera, maliban sa pagbibigay ng pangkabuhayan ngayong Olympics upang makarecover ang mga residente sa lugar ay nagbibigay din ito ng uplifting spirit at paraan upang ma-promote ang nabanggit na mga lugar.