-- Advertisements --

KALIBO, Aklan – Patuloy na paboritong puntahan ng mga dayuhang turista ang Boracay, Palawan, Cebu at Bohol kahit halos dalawang taon nang isinara ng bansa para sa mga international travelers.

Ito ang inihayag ni Tourism Congress of the Philippines (TCP) President Jose Clemente III.

Simula Pebrero 10, muling tumanggap ang Pilipinas ng mga fully vaccinated na turista mula sa 157 na visa-free countries.

Noong nakaraang linggo, karamihan sa mga demands ay mula sa North America, Europe, at ilang bahagi ng Middle East.

Ayon kay Clemente posibleng dahil ito sa “liberal travel restrictions” ng nabanggit na mga rehiyon, kabaliktaran sa mas striktong protocols na ipinapatupad sa mga bansa sa Asya na tinamaan ng Omicron variant ng COVID-19.

Umaasa si Clemente na luluwagan ng mga bansa sa Asya ang kanilang pandemic restrictions sa oras na makita ang pagbaba ng trend sa Omicron cases.

Ilan sa mga papayagang makapasok sa simula Pebrero 10 ang mga biyahero mula sa South Korea, Australia, Canada, Japan, Malaysia, Singapore, United Kingdom, United States, at Germany na maituturing na top source markets ng Pilipinas.