KALIBO, Aklan – Nakatakdang magsumite ng rekomendasyon ang binuong technical working group sa Boracay Inter-Agency Task Force para sa isinusulong na pagbukas ng Boracay sa mga foreign tourist sa pamamagitan ng travel bubble.
Ayon kay Malay Mayor Frolibar Bautista, posible nila itong isumite sa darating na araw ng Huwebes o Biyernes.
Napag-alaman na target ng Provincial Government na buksan ang isla sa pamamagitan ng travel bubble sa mga taga-South Korea matapos na nagkaroon na ng direct flight sa Incheon at Kalibo International Airport ang ilang airline companies/
Ang technical working group ay itinalaga na tumalakay sa mga detalye ng kasunduan sa pagitan ng provincial government at Boracay stakeholders bago magpresenta ng mga plano sa task force .
Noong Agosto 13, nasa 164 na accommodation establishements sa Boracay ang nabigyan na ng certificates of authority to operate, kung saan anim sa mga ito ang may provisional na CAO.
Ang nasabing 164 establishments ay may 3, 377 rooms base sa datus ng Department of Tourism-Western Visayas.