Makalipas ang ilang buwang pagsasara dahil sa banta ng COVID-19 pandemic, muling magbubukas ang Isla ng Boracay para sa mga turista mula sa Western Visayas simula sa Hunyo 16.
Sa isinagawang press conference kahapon ng Boracay Inter Agency Task Force (BIATF) sa isla kasama sina Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat, Environment Secretary Roy Cimatu at Interior and Local Government Secretary Eduardo Año, napagkasunduan umano ng mga ito ang muling pagbubukas ng Isla para sa mga lokal na turista.
Ayon kay Malay Acting Mayor Frolibar Bautista, isa umano sa ipapatupad nila sakaling magbukas na ang Isla ay ang “no booking, no entry” policy, kung saan kailangan munang magpa-book bago makapasok sa Boracay.
Sa ngayon aniya ay hinihintay nalang nila ang approval ng National IATF para sa iba pang mga guidelines na ipapatupad sa muling pagbubukas ng pamosong isla.