KALIBO, Aklan—Nasungkit ng Boracay Dragon Team Philippines ang gintong medalya sa 2024 Asia Oceanic Beach Ultimate Championships na ginanap sa Shirahama, Japan
Isa sa mga kumatawan sa Pilipinas ang ilang Aklanon gaya ni Alled Jay Libo-on, 22 years old mula sa isa ng Boracay kung saan matagumpay na napasakamay ng mga atleta ang gintong medalya sa World Flying Disk Federation.
Ayon kay Libo-on, binubuo ang kanilang koponan ng 16 na manlalaro kung saan, anim sila mula sa lalawigan ng Aklan.
Napagtagumpayan ng mga ito ang laro laban sa koponan ng Australia at Singapore hanggang sa umabot sa finals at nagupo ang bansang Japan sa naturang tournament na may final score na 13-08.
Dagdag pa ni Libo-on na hindi madali ang kanilang training sa kompetisyon dahil dugo at pawis gayundin sakripisyo at pagod ang kanilang naging puhunan upang makapagbigay karangalan sa bansa.
Ang Boracay Dragon Team Philippines ay nakabalik na sa bansa at pinaghahandaan na ang susunod na laro laban sa bansang Portugal.