-- Advertisements --

KALIBO, Aklan – Nasungkit ng Boracay Dragons ang tagumpay sa 2019 Asian-Oceanic Beach Ultimate Champions (AOBUC) na isinagawa sa Shirahama, Japan, noong Hunyo 13 hanggang 16.

Nanguna ang Frisbee Team ng Pilipinas sa naturang mixed divisions na nilahukan ng halos 80 teams mula sa iba’t-ibang bansa sa Asya at Oceania.

Ang Boracay Dragons na itinuturing na Beach Kings of Asia ay mayroong nasa 60 miyembro at karamihan sa mga ito ay nagtatrabaho sa iba’t-ibang resorts sa isla ng Boracay.

Layunin ng AOBUC na makilala sa Beach Ultimate Continental katulad sa European event.