-- Advertisements --

Boracay fire: Sen. Go, nangako ng financial assistance sa mga biktimaKALIBO, Aklan— Bumisita si Senator Christopher Lawrence “Bong” Go sa mga nasunugang residente at workers sa Sitio Ambolong, Barangay Manocmanoc sa isla ng Boracay.

Kasama ang actor na si Robin Padilla ay nakipagpulong si Sen. Go sa mga biktima na ginanap sa Manocmanoc gym kung saan, nangako siya ng financial assistance upang matulungan ang mga apektado ng malaking sunog na nangyari noong Oktobre 23, 2019.

Batay sa pinakahuling record ng Municipal Social Welfare Development Office (MSWDO)-Malay, nasa 600 mga pamilya o mahigit sa 3,000 mga indibidwals ang naitalang apektado ng sunog sa nasabing isla.

Nasa 200 mga istraktura na kinabibilanga ng mga bahay at boarding houses na gawa sa light materials ang nilamon ng apoy sa halos tatlong oras na sunog.

Una rito, itinaas sa general alarm ng Bureau of Fire Protection (BFP)-Aklan ang nasabing sunog na batay sa kanilang paunang imbestigasyon ay sa napabayaang sinaing nagmula ang malaking apoy na nagdulot ng tinatayang danyos na mahigit sa P20 milyon.