-- Advertisements --

KALIBO, Aklan—Handa na umano ang isla ng Boracay sa pagtanggap ng mga international tourists sa unang quarter ng susunod na taon 2021.

Pinaniniwalaang sa ganitong paraan ay mas lalong mapalakas ang industriya ng turismo sa bansa partikular sa Boracay.

Ayon sa Provincial Health Office (PHO)-Aklan na nagawa umano ng isla na pamunuan ng maayos ang global health crisis sa pamamagitan ng mahigpit na safety protocols para sa kaligtasan ng bawat isa laban sa nagpapatuloy na pananalasa ng Coronavirus Disease 2019 o COVID-19 pandemic.

Sa isinagawang “Together as One” webinar series na inorganisa ng Department of Tourism (DOT) na nagtatampok sa Boracay para sa Vietnamese travel and tour operators, sinabi ng PHO-Aklan na handa na ang isla sa pagtanggap ng mga foreign tourists lalo na at nanatiling itong COVID-19 free.