-- Advertisements --

KALIBO, Aklan—Lilipad patungong Malaysia ang mga personnel ng Municipal Tourism Office ng lokal na pamahalaan ng Malay Aklan matapos na maimbitahan ng Global Tourism Bussinessis Association sa gaganapin na Malaysia 6th Global Travel Exchange o Road Show B2B sa darating na Pebrero 18 hanggang 23, 2025.

Ayon kay Kathrine Licerio, tagapagsalita ng Malay Tourism Office, Malaki aniya itong oportunidad upang lubusang maishowcase ang Boracay sa mga dayuhang turista.

Isa aniya ito sa mga hakbang upang mas pang mapalakas ang industriya ng turismo na nagbibigay ng hanapbuhay sa mga lokal na residente hindi lamang sa bayan ng Malay kundi maging sa mamamayan sa lalawigan ng Aklan.

Una rito, naging tagumpay ang pakikibahagi nila sa ginanap na Travel Mart Expo 2025 sa SMX Convention sa Pasay City noong Pebrero 6 hanggang 9, 2025.

Dagdap pa ni Licerio na hindi nila inaayawan ang mga imbitasyon ng mga negosyante na nagbibigay oportunidad sa Boracay upang mas pang makilala at manatili sa pwesto nito bilang nangungunang tourist destination sa buong mundo.