Kalibo Aklan – Kasabay ng selebrasyon bukas ng Independence Day o Araw ng Kalayaan, sinabi ni DILG Sec. Eduardo Ano na hindi lamang dapat ang pagkamit ng kalayaan ang bigyan ng pansin ng gobyerno ngunit pati na rin ang paghahanap ng solusyon para matugunan ang pangangailangan ng mga tao sa gitna ng COVID-19 pandemic.
Sa isinagawang press conference , ipinahayag nito na ang Boracay ay isa sa mga tourist spot sa nasyon na muling bubuksan para sa mga turista.
Ito aniya ay upang unti-unting buhayin ang industriya ng turismo na may malaking ambag sa ekonomiya ng lalawigan.
Samantala, pinasalamatan din nito ang mga Aklanon sa pagiging masunurin dahilan upang hindi maapektuhan ng nakamamatay na virus ang Isla.
Kung maalala, unang ng sinabi ni Mayor Frolibar Bautista ng nakadepende pa rin sa magiging assessment at rekomendasyon ng Boracay Inter Agency Task Force na binubuo ng iba’t ibang ahensya ng gobyerno partikular ng Department of Tourism, Department of Environment and Natural Resources at Department of Interior and Local Government ag muling pagbubukas ng Isla para sa turismo.