-- Advertisements --

KALIBO, Aklan – Ligtas na paliguan ang baybayin ng Isla ng Boracay.

Ayon kay Boracay Inter-Agency Rehabilitation Management Group (BIARMG) General Manager Martin Jose Despi, regular silang nagsasagawa ng quality testing sa mga strategic stations sa buong isla at nananatiling mababa ang fecal coliform level dito.

Aniya, nasa 8 most probable number (mpn) per 100ml ang fecal coliform level sa front beach noong buwan ng Enero, 2022 at 11mpn/100 ml noong nakaraang buwan.

Ang paglilinaw ni Despi ay kasunod ng malisyosong artikulo at larawan hinggil sa muling paglitaw ng lumot sa baybayin ng Boracay na pinagpipiyestahan ngayon sa social media.

Ang lumot sa dalampasigan na kadalasang lumilitaw tuwing summer season ay maituturing nang natural phenomenon.