-- Advertisements --

KALIBO, Aklan — Mahigpit na binabantayan ngayon ang isla ng Boracay dahil sa pagtaas ng daily attack rate ng COVID-19 sa lalawigan ng Aklan.

Isa ito sa mga stratehiyang natalakay sa isinagawang emergency meeting ng Provincial Inter-Agency Task Force.

Ayon kay Aklan Governor Florencio Miraflores, nangangamba umano siya dahil labas-pasok ngayon ang mga turistang nagbabakasyon sa Boracay na karamihan ay mula sa National Capital Region at mga katabing lalawigan o NCR Plus.

Gusto aniya nito na masigurong magiging zero COVID case ang isla.

Inaalam na ng mga medical experts ang posibleng sanhi ng biglang pagtaas ng kaso sa Aklan.

Samantala, mula Hunyo 1 hanggang 20, mahigit sa 16,047 na ang tourist arrivals sa isla.