KALIBO, Aklan — Naniniwala si Malay Sangguniang Bayan member Nenette Aguirre-Graf na dahil sa mahigpit na patakaran sa Boracay bagay na hindi na masyadong dinadayo ng mga turista ang isla.
Kasunod ito ng pahayag ng Tourism Congress of the Philippines (TCP) na kumpara noong nakaraang taon, bumaba ang bookings ng mga hotel at resort owners sa isla para sa pasko at bagong taon.
Bago aniya ang ipinatupad na “one-time-bigtime” na paglilinis at rehabilitasyon sa isla noong nakaraang taon, buwan pa lamang ng Setyembre ay hindi na sila magkamayaw sa mga turistang nagpapa-book.
Ngunit, ngayong panahon na itinuturing na super peak season ay marami pang bakanteng kwarto sa mga hotel at resort.
Ilan sa mga bawal sa Boracay na dating dinadayo ng mga turista ay ang late-night beach parties, bonggang fireworks display sa New Year’s eve at iba pa.