-- Advertisements --

KALIBO, Aklan – Matapos ang ginawang pamemeke ng limang turista sa kanilang RT-PCR tests result, naka-alerto ngayon ang mga otoridad sa isla ng Boracay.

Hinikayat ni Aklan police director Col. Esmeraldo Osia, Jr. ang mga turistang sumunod sa ipinapatupad na health protocols at batas upang makaiwas sa kaso.

Nagpalabas na ang Department of Health (DOH) ng talaan ng mga Covid-test laboratories upang maging madali ang pag-countercheck kung peke o hindi ang kanilang dalang dokumento.

Sa kasalukuyan ay unti-unti nang dumadami ang mga bakasyunista sa Boracay ngayong Kapaskuhan.

Batay sa datos ng Municipal Tourism Office, simula Disyembre 1 hanggang 19, 2020, umaabot na sa 6,385 ang mga turistang nagbakasyon sa isla, kun saan, NCR ang may pinakamaraming bilang na 4,853.