-- Advertisements --
Boracay 2
Boracay/ FB image

KALIBO, Aklan—Kinilala ng isang international travel magazine bilang “best island” ang Boracay sa buong mundo.

Sa pinakahuling survey na ipinalabas ng Conde Nast Traveler, nanguna ang pamosong isla sa kanilang 2019 Readers’ Choice Awards na nilahukan ng mahigit sa 600,000 voters.’

Pasok din sa pangalawang puwesto ang Cebu at iba pang isla sa Pilipinas; pumangatlo ang Penang sa Malaysia; ika-apat ang Palawan sa Pilipinas at nasa ika-limang puwesto naman ang Bali sa bansang Indonesia.

Tanyag ang Boracay sa maputi at mala-polbong buhangin gayundin sa mala-kristal at asul na tubig-dagat na patok sa mahihilig magtampisaw at magsagawa ng snorkeling.

Maalalang naging kontrobersiya ang nasabing isla matapos na ipinasara ng anim na buwan ni Pangulong Rodrigo Duterte noong Abril 26, 2018 at isinailalim sa rehabilitasyon ng binuong task force na kinabibilangan ng Department of Environment and Natural Resources (DENR), Department of Tourism (DoT), Department of Public Works and Highways (DPWH) ag Department of Interior and Local Government (DILG).