KALIBO, Aklan– kitanuwa ni Aklan Governor Florencio Miraflores ang ulat ng Department of Tourism (DOT) na tinatawag na Philippine travel survey: Insights on Filipino travel behavior post-COVID-19, kung saan, nanguna ang isla ng Boracay sa talaan ng mga lokal na destinasyon na nais puntahan ng mga Filipino sakaling payagan na muli ang leisure travel sa bansa.
Ayon pa sa gobernador, handa na ang isla sa pagtanggap ng mga turista sakaling bawiin na ang mga restrictions dahil sa Covid-19 pandemic.
Napatunayan na aniya ito sa isinagawang gradual reopening para sa mga turista mula sa Western Visayas noong Hunyo 16, 2020.
Kabilang sa mga binigyan ng prayoridad ang pagtiyak sa kalusugan at kaligtasan ng mga turista.
Nananatiling mahigpit ang papasok sa Boracay upang ma-maintain na maging COVID free status ang isla.