-- Advertisements --
Boracay Island (photo from DiscoverMNL)

KALIBO, Aklan – Binuwag na ng Police Regional Office (PRO)-6 ang Metro Boracay police task force, ang police sub-station sa isla ng Boracay.

Inilipat ang mga tauhan nito sa 2nd Aklan Provincial Mobile Force Company sa ilalim ng bagong pamamahala ni P/Lt. Col. Robert Petate na pumalit kay P/Lt. Col. Ryan Manongdo.

Dahil sa pagbuwag ng naturang task force, isasailalim ang seguridad ng isla sa hurisdiksyon ng Malay police station.

Nabatid na binuo ang police task force noong Pebrero 12, 2018, dalawang buwan bago ipinasara ang Boracay.

Mahigpit na binantayan ng halos 600 tauhan nito ang outer at inner border ng isla gayundin ang karagatang nakapalibot dito.

Malaki rin ang naging papel nito sa ipinatupad na Project BESST o Boracay Enhanced Security and Strategy Tactics na naglalayong maging disciplined zones ang sikat na isla.