-- Advertisements --

KALIBO, Aklan – Target ng lokal na pamahalaan ng Aklan na gawin ang Boracay na kauna-unahang tourism site sa bansa na tatanggap ng dayuhang turista sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Sinabi ito ni Aklan Governor Florencio Miraflroes kasunod nang pagtaas ng bilang ng mga fully vaccinated na tourism workers at residente sa isla at mainland Malay.

Kabilang sa mga international flights na maaring payagan ay mula sa mga tinaguriang “Green” countries, na nauna nang tinukoy ng pamahalaan.

Sa kasalukuyan, pawang mga domestic tourist pa lamang ang tinatanggap sa Boracay.

Inaasahan naman na sa buwan ng Nobyembre ay aalisin na ang RT-PCR test na travel requirement sa mga fully vaccinated na turista na maipakitang vaccination certificate mula sa vaxcert.doh.gov.ph.

Sa kanyang pagbisita sa Kalibo International Airport kamakailan, sinabi ni Transportation Secretary Arthur Tugade na handang-handa na ang paliparan sa pagtanggap ng mas maraming turista kasunod ng pinalawak at paglagay ng state-of-the-art na gamit sa paliparan.