-- Advertisements --
Tatanggap lamang ng nasa 2,000 turista ang isla ng Boracay bawat araw simula Oktubre 1.
Ayon kay Malay, Aklan mayor Frolibar Bautista, ang mga hotel sa isla ay papayagang mag-operate ng hanggang 50% capacity at may maximum lamang na dalawang guest kada kwarto.
Nasa halos 400 din na mga bar at restaurants ang binigyan na ng accreditation.
Kung maaalala, bago ang COVID-19 pandemic ay umaabot ng hanggang 6,000 turista ang pinapayagang magtungo sa sikat na tourist destination.
Una nang sinabi ni Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat na halos 200 hotels at resorts sa isla ang pinayagan nang mag-operate mula noong buwan ng Hunyo.