-- Advertisements --
KALIBO, Aklan — Ipinagmalaki ni Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat ang kagandahan ng Isla ng Boracay.
Sa kanyang pagbisita sa isla kasabay ng launching ng “Resbakuna sa Botika” at pediatric vaccination sa mga may edad 5 hanggang 11 anyos, sinabi nito na isa ang Boracay sa paboritong puntahan ng mga dayuhang turista.
Dagdag pa nito na maliban na malinis na ang lugar ay fully vaccinated na ang lahat ng mga tourism workers at mga residente.
Sinimulan na rin aniya ang pagbibigay ng booster shots sa mga ito na halos 30 porsiyento na.
Sa kabilang daku, positibo ang kalihim sa “healthy rebound” ng turismo dahil sa mataas na vaccination rate ng mga tourism worker gayundin ang internationally-accepted public health safeguards ng Pilipinas.