KALIBO, Aklan-Hinihikayat ngayon ng Department of Trade and Industry (DTI) ang mga turista sa isla ng Boracay na i-patronize ang mga “green products.”
Ayon kay DTI-Aklan head Maria Carmen Ituralde, ang coconut shell items, abaca twines at iba pa ay mga halimbawa ng “green products” na available kaagad sa isla na isinusulong ng “ecopreneurs” kung saan, ito ang itinuturing na environment-related products na ginagamit sa kanilang negosyo.
Sa pamamagitan aniya nito ay hindi lamang ang mga entrepreneurs ang matulungan ng mga turista kundi maging sa sustainability ng environment.
Binigyan-diin ni Ituralde na ang “green products” na ibinebenta ng mga local entrepreneurs ay may mataas na kalidad.
Una rito, isa ang “ecopreneurs” sa mga bida sa 17th Aklan Product Exposition na may temang “Go Green,” na ginanap sa Iloilo City.
Kinumpirma ni Ituralde na ang cash sales ay nasa P1.07 million, booked sales na may P7.4 million, orders under negotiation sa halagang P182,000 at may kabuuang sales na umabot sa P8.54 million.
Kabilang sa mga high-demand “green products” ay ang mga coconut shell items, abaca twines, processed food at wearable items.
Ang taunang trade fair ay isinagawa ng DTI katuwang ang Hugod Aklanon Producers Association Incorporated; provincial government; at Aklan Provincial Micro, Small and Medium Enterprise Development Council.