Inaalam na raw ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) kung ano ang pananagutan ng Boracay Tubi System Inc. (BTSI), na may-ari ng underwater pipe na nadiskubreng nagtatapon ng waterwaste sa dagat.
Ayon kay DENR Sec. Roy Cimatu, pino-proseso na ng kanilang Pollution Adjudication Board ang pagtukoy ng liablity ng kompanya, matapos isumite rito ng Environmental Management Bureau – Region 6 ang findings ng imbestigasyon.
Kung maaalala, lumampas sa standard ng most probable number per 100 milliliters ang coliform level ng waterwaste na ibinubuga ng tubo mula sa BTSI.
Ayon kay Cimatu, tiyak na mapaparusahan ang kompanya kapag napatunayan ang kapabayaan nito sa insidente.
“The viral video came out on September 11. We took notice of it. That time the coliform reached 3,500. On September 19, we issued a cease and desist order and on September 21, they stopped their operation. We gave them instructions to clean up or correct. September 23, kumuha uli ng sample at 1mpn na lang, so compliant na sila,” ani Cimatu nang humarap sa Senate hearing para sa 2020 budget ng DENR.
Una ng nangako ang BTSI ng pakikipag-tulungan sa DENR hinggil sa issue.
“We take this incident seriously and wish to reassure the public that there is no direct discharging of untreated wastewater into the open sea. All wastewater is being treated on site at the individual sewage treatment plans of establishments,” ayon sa statement ng BTSI.