-- Advertisements --

Hinigpitan ng Australia ang ang kanilang border control dahil sa pagdami ng kaso ng Delta variant ng COVID-19.

Mula pa kasi noong Marso ay pinagbawalan na ng Australian government ang mga mamamayan na umalis sa kanilang bansa.

Hindi kasama noon ang mga Australians na naninirahan sa ibang bansa.

Sa bagong paghihigpit ay kabilang ng hindi papayagang umalis sa bansa ng mga Australians na naninirahan sa ibang bansa.

Kailangan lamang nilang mag-apply ng outbound travel exemption.

Magiging epektibo ang nasabing paghihigpit sa Agosto 11.