-- Advertisements --

NAGA CITY- Nagpapatuloy ngayon ang mahigpit na pagbabantay sa border control ng lokal na pamahalaan ng lungsod ng Naga na inilagay sa Pili-Naga border.

Ito’y kaugnay ng hakbang ng lungsod laban sa banta na dala ng Delta variant.

Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay PCol Marlon Catan, City Director ng Naga City Police Office (NCPO), sinabi nito na napagdesisyonan na maglagay ng nasabing checkpoints dahil napag-alaman na mayroong nakakalusot na mga byahero mula sa Visayas at Mindanao at nakakapasok sa lungsod.

Ayon kay Catan, sa nasabing control points, nirerekisa ng mga tauhan ng NCPO at Public Saftey Offcie (PSO) ang mga behikulo at biyahero na papasok sa naturang lungsod.

Ito’y upang masiguro na may ipapakita ang mga ito ng mga kaukulang dokumento.

Dagdag pa ni Catan, wala naman aniyang naging problema sa unang pagpapatupad ng nasabing checkpoints.

Ayon kay Catan, mayroon na ring iilang nasisita ang mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) ngunit umiiwas din silang ticketan ang mga ito ayon na rin sa panuntunan ni Naga City Mayor Nelson Legacion.

Mababatid na maliban sa Brgy. Del Rosario, Naga CIty kung saan naroon ang Pili-Naga border, mayroon ding inilagay na border control point sa border ng Milaor, Camarines Sur at Naga City.