Simula kaninang alas-12:00 ng hatinggabi, August 1, 2021, pinahigpit na ang lahat ng mga border control points sa NCR Plus, ang Metro Manila at karatig lalawigan ng Rizal, Laguna, Bulacan at Cavite.
Iniutos ni Interior and Local Government Secretary Eduardo Ano kay JTF Covid Shield Commander at PNP Deputy Chief for Operations, Lt. Gen. Israel Dickson, na paganahin na ang Quarantine Control Points (QCPs) o checkpoints sa mga lagusan sa bawat boundary ng NCR Plus.
Pinatitiyak ng kalihim sa PNP na tanging ang mga Authorized Persons Outside of Residence (APOR) ang makakaraan sa mga QCPs o checkpoints.
Upang makaraan sa QCPs ang APOR, ipakita ang kanilang IATF ID o company ID.
“The implementation of strict border controls in the NCR plus areas is critical to stopping the spread of the Delta variant,” pahayag ni Ano.
Kaya asahan ang mas maraming pulisya ang naka-deploy sa mga boundary ng Rizal, Laguna, Cavite at Bulacan.
Sinabi ni Ano na ang kautusan ay alinsunod sa Inter-Agency Task Force (IATFI Resolution No. 130-A.
Dagdag pa ng kalihim, “the Philippine National Police shall only allow APORs to pass and will recognize: 1) IATF IDs issued by regulatory agencies; and 2) valid IDs or pertinent documentation issued by establishments allowed to operate under the current quarantine classification,” batay sa kautusan.”
Ang paghihigpit ay upang mapigilan ang pagdami ng kaso ng COVID-19 lalo na’t may kaso ng mahigit 100 ng Delta variant sa bansa.
Binilinan din ni Ano ang PNP na pasunurin ang publiko sa istriktong health protocols.
Gayunman ang mga mga cargo at delivery trucks ay hahayaang makadaan sa mga QCPs o checkpoints.
“We have instructed all QCPs to allow the unimpeded movement of cargo trucks and delivery vehicles across all our checkpoints,” wika ni Ano.
Binigyang-diin din ng kalihim na ang sinumang lalabag ay maaring sampahan ng reklamo o paglabag sa RA 11332.