Mas hihigpitan pa ng Bureau of Animal Industry (BAI) ang border controls nito sa Metro Manila at karatig lalawigan para mapigilan ang pagkalat ng African Swine ever (ASF).
Sa National Capital Region (NCR) mayroon nang anim na meat inspection checkpoints para matiyak na ang mga baboy na inihahatid sa mga katayan at sa mga pamilihan ay ASF-free.
Kasunod nito, nagdagdag na rin ng inspection checkpoint ang BAI sa San Jose Del Monte, Bulacan para mapigilan ang mga infected na baboy mula sa south na makarating sa northern provinces. Nakikipag-ugnayan na rin daw sila sa lalawigan ng Rizal para makapaglagay ng panibagong checkpoint partikular sa bayan ng Rodriguez.
Ayon sa BAI, matapos ang kanilang mga operasyon nitong nakaraang apat na araw, kinakailangan na raw nilang humingi ng tulong sa Metropolitan Manila Development Authority at mga local traffic enforcers.
Sa ngayon, tiniyak naman ng ahensya na nakikipagtulongan na rin ang mga lokal na pamahalaan sa pagdeploy ng manpower.