-- Advertisements --

VIGAN CITY – Ipinag-utos ng pamahalaang panlalawigan ng Ilocos Sur ang pagsasara ng border ng probinsya sa bayan ng Cervantes na katabi na ng Cordillera Administrative Region.

Batay sa Executive Order No. 12 na nilagdaan ni Governor Ryan Singson, sarado sa lahat ng tao at sasakyan ang dalawang border sa Barangay Comilas North at Barangay Amuling sa nasabing bayan upanng hindi makapasok ang sinumang galing sa bayan ng Bontoc, Mountain Province at La Trinidad, Benguet.

Nakasaad din sa nasabing kautusan na kailangang bantayan ng kapulisan at lokal na pamahalaan ng Cervantes ang border ng lalawigan.

Ang nasabing hakbang ng pamahalaang lokal ng Ilocos Sur ay bilanng pag-iingat na rin sa variant ng COVID-19 na unang na-detect sa United Kingdom.