Napilitang isara ng South Africa ang border nila ng Mozambique dahil sa marahas na kilos protesta.
Mula kasi noong nakaraang buwan ay sumiklab ang kilos protesta matapos na magwagi ang Frelimo party.
Ayon sa South African border agency na marapat lamang ang kanilang ginawa dahil sa lumalalang kaguluhan.
Gumamit na ang mga kapulisan ng South Africa ng rubber bullets at stun grenades sa mga Mozambicans na nagtatangkang pumasok sa Lebombo border.
Ang Lebombo kasi ay isa sa apat na pinaka-abalang land ports sa southern Africa na may layo ng 110 kilometro mula sa Maputo ang capital ng Maputo.
Pinayuhan nila ang mga bumabiyahe na maghanap na lamang ng ibang mga alternatibong daan.
Mula ng magwagi si Daniel Chapo ang kandidato ng Frelimo Party ay sumiklab ang gulo dahil hindi matanggap ng mga supporters ng opposition leader na si Venancio Mondlanena ang resulta.
Umabot na sa 18 katao ang nasawi matapos makasagupa ng mga otoridad ang mga protesters.