-- Advertisements --

Binalaan ni British Prime Minister Boris Johnson ang China kapag ipinilit nitong ipatupad ang security law nito sa Hong Kong.

Sinabi ni Johnson na magiging kumplikado ito sa obligasyon na napagkasunduan sa joint declaration mula a United Nation.

Tinutukoy nito ang pagpapalit ng immigration rules ng Britanya sa may 2.9 milyon na Hong Kong resident na entitled sa British Naitonal passport na inilabas bago ang territory handover sa China noong Hulyo 1, 1997.

Dagdag pa nito na kapag itinuloy ng China na i-justify ang kanilang takot ay maaaring ituloy nila ang alternatibo sa ilang mga Hong Kong residents.

Nauna rito sinabi rin ni US President Donald Trump na kanilang papatawan ng economic sanctions ang China kapag itinuloy ang nasabing pagpapatupad ng batas sa Hong Kong.