-- Advertisements --
Nahalal bilang bagong Conservative leader ng United Kingdom si Boris Johnson at siya na ring papalit bilang susunod na Prime Minister.
Sa naging botohan, nahigitan nito ang kaniyang katunggali na si Foreign Minister Jeremy Hunt.
Nakakuha ng kabuuang boto si Johnson ng 92,153 habang si Hunt ay mayroon lamang 46,656.
Ang dating London mayor ay siyang papalit sa nagbitiw na si UK Prime Minister Theresa May.
Sa kaniyang talumpati, tiniyak ni Johnson na magkakaroon ng pagkakaisa ang bansa at kaniyang isusulong ang Brexit o ang pagkalas ng United Kingdom sa European Union.
Ipinangako rin nito na kaniyang “i-energize” ang bansa kung saan matatapos ang Brexit hanggang Oktubre 31.