Wala umanong nakikita si British Prime Minister Boris Johnson na magkaroon ng maagang halalan.
Kasunod ito sa dumaraming mga opisyal ng United Kingdom na nagbitiw sa kanilang mga puwesto dahil sa kawalan ng pagtitiwala kay Johnson.
Bukod pa sa may ilang mga kasalukuyan at dating opisyal nito ay nanawagan na magbitiw na rin ito.
Sa kaniyang pagdalo sa pagdinig ng Liason Committee binigyang diin ni Johnson na patuloy pa rin ang kaniyang pamumuno.
Magugunitang aabot na sa 34 ministers at aide ang nagbitiw sa kanilang mga puwesto.
Noong nakaraang buwan kasi ay nalampasan ni Johnson ang confidence vote ng Conservative MP kaya mayroon itong immunity ng isang taon para sa panibagong confidence vote.
Ikinagalit kasi ng mga members of parliament ang paghawak ni Johnson sa sexual misconduct laban sa dating deputy chief nito na si Chris Pincher.