-- Advertisements --

Pumanaw na ang boses sa sikat ng Japanese anime na “Doreamon” na si Nobuyo Oyama sa edad na 90.

Ayon sa agency nito na ACTOR 7 na namayapa si Oyama dahil na rin sa kaniyang edad.

Isinagawa na lamang ng kaniyang mga kaanak ang pribadong seremonya.

Mula 1979 hanggang 2005 ay naging boses na ni “Doreamon” si Oyama sa nasabing sikat na tv show.

Mula sa pagiging sikat sa tv ay kumalat na ito at ginawa sa animated films, video games, music albums at manga series.

Isinilang sa Tokyo si Oyama, at bago nag-voicing ng “Doraemon” ay kasama ito sa puppet show na “Boo Foo Woo” na ipinalabas sa Japan mula 1960 hanggang 1967.