-- Advertisements --
Pumanaw na ang actress na si Russi Taylor sa edad 75.
Nakilala si Taylor bilang nagbibigay boses kay Minnie Mouse sa loob ng tatlong dekada.
Sinabi ni Disney CEO Bob Iger, pumanaw ang actress sa kaniyang bahay sa Gledale sa Southern California.
Nagpaabot na rin si Iger ng kaniyang pakikiramay sa kaanak ni Taylor.
Bukod sa pagiging boses ni Minnie Mouse ay nag-voice-over din ito sa sikat na character na si Pebbles ng “The Flintsones”, the Mackleberry Twins at Martin Prince ng “The Simpsons” at ilang character ng “The Jetsons”, “Scooby Doo”, “The Muppets” at ilang mga Disney favorites.
Kasal ito sa longtime Mickey Mouse voice actor Wayne Allwine na pumanaw sa diabetes noong 2009.