GENERAL SANTOS CITY – Nagpasalamat si Gensan Mayor Lorelie Pacquiao sa mga partisipante sa Boss Iron Man Motorcycle Challenge 2024 para sa pagyabong ng ekonomiya sa Gensan matapos nagsidatingan ang mahigit sa dalawang libong partisipante at mga bisita na mula pa sa iba’t-ibang bahagi ng bansa.
Nasiyahan ang Mayor dahil kumita ang mga negosyo sa lungsod matapos napuno ang mga hotel at kumita din ang mga restaurants , gasolinahan at iba pang negosyo sa kalye dahil sa pagdating ng mga riders at vloggers at mga chaperon.
Nanguna ang Mayor sa programa bago nag-alisan ang mahigit sa 700 mga riders na kinabibilangan ng mga Opisyal sa iba’t-ibang tanggapan ng gobyerno kasama si Senator Ronald de la Rosa mga artista at marami pa.
Una ng sinabi ni Joseph Tan, Head Marshal ng Boss Iron Man Motorcycle Challenge 2024 na naglalayon na i pormote ang Mindanao sa pamamagitan ng Philippine Tuorism Board.
Sa aktibidad na ito, Gensan ang napiling starting point papunta ng South Cotabato Cagayan de Oro hanggang Bukidnon, Butuan, Davao de Oro, Davao Oriental at balik sa lungsod sa loob lamang ng 24 oras na biyahe.
Nalaman na kasama sa nasabing indurance ride ang mga International rider gamit ang motor na hindi bababa sa 400cc.