Tiwala si Kristaps Porzingis na makakapaglaro pa rin siya sa nalalapit na Game 3 ng NBA Finals 2024 sa pagitan ng Dallas Mavericks at Boston Celtics.
Maalalang sa nakalipas na Game 2 ay mistulang nasaktan si Porzingis at kinailangan pa nitong bumalik sa locker room.
Sa kasalukuyan ay hindi pa rin inilalabas ng Boston kung ano ang nangyari sa Boston bigman.
Gayunpaman, tiniyak ni Porzingis na makakapaglaro din siya sa Game 3 na gaganapin sa araw ng Huwebes, June 13, sa homecourt ng Dallas.
Ito ang unang pagkakataon na makakapaglaro sa Finals ang 28-anyos na si Porzingis sa loob ng 8 years na kanyang pananatili sa NBA.
Bago ang Finals ay dati itong sumailalim sa rehabilitasyon at kinailangang magpagaling muna mula sa kanyang injury sa tuhod. Bumalik lamang ito sa paglalaro noong Game 1 bilang bench/back-up center.
Sa kanyang naging pagbabalik, nag-ambag siya ng 20pts, 6 rebs, at 3 blocks, kasama ang dalawang 3-pointers sa loob ng 21mins na kanyang paglalaro.