-- Advertisements --
boston celtics jason tatum
Jason Tatum (photo from @celtics)

Buhay pa ang pag-asa ng Boston Celtics matapos na makalusot sa Miami Heat sa Game 5 sa nagpapatuloy na Eastern Conference finals.

Bumawi sa kanyang game si Jayson Tatum upang pangunahan ang pagdispatsa sa Heat, 121-108.

Naiwasan tuloy ng Celtics na mapauwi ng maaga sa NBA bubble nang pangunahan ni Tatum ang opensa gamit ang 31 points ( 8-of-22) kasama ang tatlong three-pointers, 10 rebounds at six assists.

Umeksena rin sa kanyang big game si Jaylen Brown na tumipon ng 28 points kung saan anim na mga players ng Boston ang merong double figures.

Puring puri naman ni Celtics coach Brad Stevens ang kanyang mga players dahil ipinakita raw ang tunay na laro ng team.

Sa init ng kamay ng Celtics nagawa nilang dominahin ang third quarter upang iposte ang 41-25.

Para naman sa Miami, ang All-Star big man na si Bam Adebayo ay nasisi ang sarili sa kanilang pagkatalo na abot kamay na sana ang finals.

Ito ay sa kabila na merong halos triple-double performance si Adebayo na nagrehistro sa 13 points, eight rebounds at eight assists.

Nang matanong naman si Heat All-Star Jimmy Butler (17-pts), sinabi nito na hindi dapat sisihin ni Adebayo ang kanyang sarili.

Lahat daw sila ay may sagutin kung bitin man ang kanilang mga diskarte.

Ang dating hero sa Miami sa Game 4 na si Tyler Herro ay nagpakita lamang ng 14 points.

Ang veteran na si Goran Dragic ay nagbuslo ng kabuuang 23 puntos at si Duncan Robinson ay nagpakita ng 20.

Target ng Miami na umabot sa NBA finals na huling nangyari noon pang taong 2014.

Sa Lunes ng alas-9:00 ng umaga gagawin ang Game 5.