-- Advertisements --

Nagtala ng come-from-behind win ang Boston Celtics matapos na gulatin sa Game 1 ng NBA Finals ang Golden State Warriors, 120-108.

Mula kasi sa first half hanggang sa kalagitnaan ng 4th quarter ay hawak ng Warriors ang kalamangan.

Pero pagsapit ng ilang minuto bago magtapos ang game, dito na uminit ng husto sa three point area ang Celtics sa pangunguna ni Al Horford.

Gumamit ang Celtics ng 17-0 run na siya namang pag-collapse ng Warriors.

Nakuha ng Boston ang 4th quarter sa pamamagitan ng 40-13 upang ipatakim sa Boston ang unang homecourt loss sa post-season.

Top scorer sa Boston si Horford na may kabuuang 26 points habang si Jaylen Brown ay nagdagdag ng 24 puntos sa kanilang Finals debut upang walisin ang 15-point deficit ng kalaban.

Ang Boston All-Star na si Jason Tatum ay meron lamang 12 points pero nagpakita naman ito ng 13 assists.

Sa kabilang dako, nasayang ang ginawa sa panig ng Warriors ni Stephen Curry na may 34 points.

Kasama na ang anim na 3-point shots sa first quarter para itala ang bagong NBA Finals record sa isang quarter.

Sa Lunes ang Game 2 na doon pa rin gagawin sa teritoryo ng Warriors sa San Francisco, California.

Samantala, gulat din ang mga fans sa bagong arena ng Warriors na sa report sa Bombo Radyo ni Dr. John Melo, umabot sa mahigit 18,000 ang bumuhos na mga fans na pumuno sa venue.