Muli na namang minalas ang Boston Celtics matapos na matikman ang ikalawa nilang sunod na pagkatalo sa kamay ng Milwaukee Bucks, 100-108.
Kung maaalala kahapon ay hindi rin sila umubra sa Cleveland Cavaliers sa NBA season opener.
Nasayang ang naging diskarte ni Kyrie Irving na umiskor ng 17 points sa 7-for-25 shooting sa kanyang debut sa homecourt ng Boston.
Ang No. 3 draft pick na si Jayson Tatum ay nagpakita naman ng 18 points sa kanya ring debut sa harap ng kanilang mga supporters.
Sinasabing ramdam pa rin ng koponan ang pagkawala ng kanilang top free agent na si Gordon Hayward na dumanas ng matinding injury sa laro kahapon.
Isang video message ang ipinalabas sa Boston Garden kung saan sinabi ni Hayward na maayos naman siya, kasabay nang pagbati niya sa team at sa mga fans na hinahangad sana niya na makalaro rin siya court.
Sa panig ng Bucks nagsama-sama ng puwersa sina Giannis Antetokounmpo na may 13 rebounds, Rookie of the Year Malcolm Brogdon na kumamada ng 19 points, Khris Middleton na nagbuslo ng 15 points at nine rebounds habang si Mathew Dellavedova ay may 15 points.