-- Advertisements --

Naibenta sa halagang $6.1 bilyon ang koponang Boston Celtics ng NBA.

Ito na ang pinakamalaking halaga na nabili mula sa sports franchise sa North America.

Pinangunahan ng investor group na si William Chisholm ang pagbili ng Celtics kasama niya sina Bruce Beal Jr ang pangulo ng isang real estate giant.

Sinabi ni Celtics CEO Wyc Grousbeck , na isang Celtics fan at lumaki sa Boston ang nakabili ng nasabing koponan.

Taong 2002 ng nabili ng Grousbeck family ang Celtics sa halagang $360 milyon.

Mananatili naman si Grousbeck ng governor ng Celtics hanggang 2027-2028 season.

Ayon naman kay Chisholm na mula pa noon ay die-hard Celtics fan na ito.

Itinuturing na ang pagbenta sa Celtics ay siyang pinakamalaki sa NBA at pangunahing sports sa US.

Nahigtan nito ang NFL team na Washington Commanders na naibenta sa $6.05-B at ang $4-B na pagbili sa Phoenix Suns noong 2023.

Ang Celtics din ay mayroong 18 championships trophy sa kasaysayan ng NBA.