-- Advertisements --
image 211

Hindi umubra ang diskarte ng Charlotte Hornets matapos nitong malasap ang pagkatalo laban sa nangunguna pa rin sa Eastern Conference ng National Basketball Association na Boston Celtics ngayong araw.

Tinalo ng Celtics sa kanilang game 3 ang Hornets sa score na 130 – 118.

Pinangunahan ng star player ng Celtics na si Jayson Tatum ang kanyang team at umiskor ito ng solid season high 51 points at 9 rebounds.

Ito rin ika pitong pagkakataon na nakakuha si Tatum ng 50 points ngayong season.

Umariba ang Celtics sa unang quarter ng game habang lumamang naman ang Hornets sa ikalawa at ikatlong quarter habang nabawi ng Celtics ang ika-apat na quarter.

Nakapag ambag din ang power forward ng Hornets na si Jalen McDaniels ng kabuuang 26 points ngunit bigo pa rin itong ipanalo ang kanyang team.

Ginanap ang naturang laban sa Spectrum Center Arena na balwarte ng Hornets at pinanood ng mahigit 19,000 na NBA fans.