-- Advertisements --
16378069599720

Nanatili pa rin sa unang pwesto para sa Eastern Conference ng National Basketball Association ang Boston Celtics matapos nilang tambakan ang katunggaling Brooklyn Nets sa score na 139- 96 sa katatapos pa lamang na laban.

Pinangunahan ng 24 year old small forward na si Jayson Tatum ang Celtics at umiskor ito ng kabuuang 31 points, 9 rebounds at 4 assist.

Umalalay naman ang 26 year old shooting guard ng Boston Celtics na si Jaylen Brown at nagposte ito ng 26 points habang si Robert Williams III ay nag-ambag rin ng 16 points at 9 rebounds

Pinilit namang buhatin ng Brooklyn Nets point guard na si Kyrie Irving ang kanyang kupunan at tumipa ito ng kabuuang 24 points ,4 rebounds at 4 assist.

Matatandaang tinalo ng Boston Celtics ang Brooklyn Nets sa game 1 at game 2 final match nito.

Muling maghaharap ang dalawang team para sa game 4 match sa darating na Marso petsa 3 taong kasalukuyan.