Panibagong bigtime performance ang ginawa ng batikang bench ng Boston na si Al Horford na kumamada ng 26 points at siyam na rebounds, habang 25 points at 14 rebounds naman ang naging ambag ng forward na si Jayson Tatum.
Hindi naman umubra ang 20 points at 15 rebounds ni Memphis forward Jaren Jackson Jr, kasama ang 26 points at anim na rebounds ni Ja Morant.
Tanging sa unang quarter lamang nagawa ng Memphis na lumamang ng ilang puntos laban sa Boston, 32 – 25.
Pagpasok ng 2nd quarter, binura na ito ng Boston at lumamang pa ng limang puntos.
Tuloy-tuloy nang na ang ginawa ng Boston na dominanteng opensa hanggang sa tapusin ang laban sa score na 117 – 103, at kumamada ng 21 3-pointers sa kabuuan.
Sa kabila ng pagkatalo, muling ipinakita ng Memphis ang magandang paint opensa sa ilalim ng paint area matapos itong kumamada ng 58 points sa ilalim nito. Tanging 32 points lamang ang naiganti ng Boston sa kalabang koponan.
Hawak ng Boston ang 56 – 19 na kartada habang 44 – 31 naman ang win-loss record ng Memphis.
Kapwa pasok ang dalawang team sa Top-5 ranking sa Western at Eastern Conference.